Paano ba ang Job Hunting? | iSavta
Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON) Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON)
Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON) Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON)
Paano ba ang Job Hunting?

Lahat tayo dumanas ng hirap sa paghahanap ng trabaho lalo na pag sa Tel-Aviv area na ang mga agency ay malalayo kumpara sa Haifa at Jerusalem. Nuon ng namatay ang aking amo isang buwan ko pa lang dito sa Israel, para akong tangengot sa kahahanap ng mga agency. Naubos ang pera ko sa pamasahe. Saka alangan naman di tayo kakain, wasak ang kaunaunahang sahod! Ung cellphone ko daming text galing Pinas if nagsahod na ba ako at kelan magpadala. Naku po, aligaga ako sa paghanap ng bagong trabaho.

Nakahanap din ng work sa wakas ngunit di rin nagtagal at nilayasan ko kasi ba naman tinatakal ang kanin at ung hita ng manok, hati pa kami. Sus, siempre di tayo sanay sa ganoong systema kaya ilang araw lamang na dieta e goodbye na. Aba e mag-isang bwan na yata e lahat ng na me-meet ko e lagi me nakikita ako na ayaw ko pagkatapos ng ilang araw na try-out. Me isa na d na ako tinantanan buong maghapon sa paglilinis sa apat na araw na naglagi ako sa kanya. Meron din religious na nauubusan ako ng pasencia dahil sa pagkasensitibo pagdating sa mga cutleries at friday pa ang aking day-off. Nabigyan pa ako ng matanda na meron palang kasamang anak na wala ng ginawa sa buong maghapon kundi magbunganga sa nanay nya at syempre ako din nadadamay sa ewan kong dahilan. Ung isa pa na pinagdalhan ako, me aso at pusa sa loob ng bahay, ngiii ung amoy ng bahay ayaw pa buksan ung bintana taz 30 minutes ilakad ung aso sa labas umaga at hapon e winter pa, wag na kahit ala na ako kesef sa time na yun. Super paawa effect ako sa agency na aalis na ako kasi mgkakasakit na ako sa amoy kaso di daw ako pwede aalis until may papalit. Umalis ako ng walang pahintulot at walang bayad sa 3 araw na trabaho. Hirap ako mag adjust kasi sa isang buwan ko na pagtrabaho e di ako marunong mghebrew dahil di na masyado`nakakapagsalita ang aking tanders kaya magsponja at magluto lang gawain ko.

Ngayon, pagkatapos kong dumaan sa siyam na employer meron akong natutunan kung papano ang maghanap ng trabaho. Di naman po lahat ng syam na yan e puro try-out. Nagtagal din ako ng ilang bwan at isang taon at kalahati sa kamamatay kong alaga. Kaya ngayong nghahanap ulit ako inaaplay ko na. Dito sa iSavta, mas lalo pong applicable eto dahil ang mga tanong e diretso mismo sa employer at alam u na agad ang mga sagot ng walang masyadong tsetseburetse.

Nais ko po munang sabihin na wala pong perpektong trabaho, meron at merong problema. Kundi man ang anak, ung alaga ang mahirap kausapin lalo na pag kesef ang usapan. Ngunit minsan nasa sa atin kung papano natin ito i-handle ung problema. Kung lagi tayong reklamo pero di naman natin dinadaan sa tamang paraan, tumatalsik man ang ating laway, walang saysay.

Unang-una na dapat gawin, wag na wag oo ng oo sa agency. Kung meron mang work na ibibigay, magtanong, tingnan at busisiin muna kasi waste of time and kesef lamang tulad ng nangyari sakin nuon. Basta na lang ako dinadala sa mga employer, ignorante e. Una pa lang sabihin sa agency kung ano ang mga gusto mo sa isang employer. Tulad ng kakilala ko na 45 kls. sya, 5 feet o wala pa yata, binigay sa kanya ung 85 kls na matanda, bedridden at matangkad. Aba, ung hita at legs pa lang e katumbas na ng katawan ng metapelet. Mas lalo pa syang nangayayat! Uulitin ko po, walang perfect job, kailangan natin ng kesef pero wag na wag po natin ipagpalit ang ating kalusugan. Meron at meron pong employer na akma sa atin. Hanapin lang po natin yan sa tamang paraan not unless wala na po tayong visa at kapit sa patalim na lang ang last resource.

Pag may offer ang agency, tanungin agad lahat ang mga sumusunod:
Religious ba o hinde?
Ilan ang anak?
Mag-isa ba sa bahay?
Anong edad? Ano ang sakit? Ilang kilo at ano ang physical na sitwasyon?
May day-off ba o wala?
Kung meron ka ng isang ayaw sa mga sagot, wag ng pag aksayahan ng panahon kahit ipilit sa iyo.
Pag naman sa mag meet na sa employer, tanungin ang mga sumusunod:
(pwede rin tanungin ulit ung mga nasa taas) Ano ba ang mga expected na trabaho? ( Tamad ako kaya pag ng eenumarate na ng mga trabahong tulad ng punasan ung walls daw at mga door handles, alam ko na na maarte kaya wag ng pahabain ang storya.) Ano ang mga day-to-day activities nya?
Saan ang original na bansang pinanggalingan?

(Para sa akin, malaki ang importancia ng tanong na ito. Sa aking pagtatanong-tanong, di naglalayo ang mga sagot nila. Example: Pag Moroccan- expect na maraming anak, maraming bwisita este bisita, at laging me handaan. Wawa ka pag alang dishwasher ngunit masasarap naman daw ang mga pagkain. Kung galing sa mga Arab countries, marami sa kanila ang madamot at matapobre. The best daw ang mga European or galing sa Western countries.) Ano ang systema pagdating sa pagkain? (Ang kalusugan natin ang ating pundasypon sa klase nga ating trabaho.)
Alam ba nya kung magkano ang sahod at mga benefits mo na metapelet?
Marami akong kakilala na ang mga employer ay ignorante tungkol sa mga benefits kaya ngkakaproblema sa huli.
Wag matakot na magtanong-tanong ng tungkol sa background nya tulad ng kung ano ang trabaho nya nuong kabataan nya kasi minsan makikita mo ang pagkatao o ugali ng isang tao sa paraan ng pagsagot at sa sagot mismo. Isipin mo na kasama mo sya ng 24 oras, 6-7 na araw at ikaw na caregiver ang kelangang mag-adjust ng malaki. Tanungin po natin ang ating sarili “Kaya ko ba ito?”

Pinaka-importante, makinig sa kung ano ang sinasabi ng ating “intuition” o saloobin. Pag nararamdaman mong ayaw mo, wag ipilit. Meron at meron ang para sa iyo, savlanut lang sa paghanap. Tama po na nagpunta tayo dito sa Israel para magtrabaho at mag-ipon ngunit inuulit ko po na wag abusuhin ang kalusugan sa pagtangap ng mga trabahong di naakma sa atin. Wag masilaw sa malaking sahod din pag ang trabaho ay di kaya ng ating katawan. Ang pagiging isang caregiver ay mahirap, most of the time, we are lonely staying all the time with an old person. Siguro sa ngayon, di natin nararamdaman ang pisikal na epekto ng ating trabaho pagtanda na lang natin, saka na lang tayo magtaka kaya ingatan ang ating kalusugan.

Get our newsletter

Stay in touch! Get the latest posts and professional updates