Anak, magkano ang kailangan mo? | iSavta
Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON) Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON)
Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON) Supreme Court Decision about Deposit Funds (PIKADON)
Anak, magkano ang kailangan mo?

Ito ang laging tanong ng isang magulang na nasa abroad. Ilang lingo lang po ang nakalipas ng icelebrate natin ang Mother's day at para sa mga nanay na nakatangap ng greetings mula sa anak at asawa sa Pinas, mazal tov! Sure po ako na ang ganda ng araw nyo. Naalis ang stress at pagod sa trabaho dahil sa greeting nila at para hong nainjectionan ng lakas ang mga katawan. Nawala na ang ating galit at inis kay lolo at lola na super kulit, kahit sponja to the max, pwedeng-pwede!

Naisipan ko ang tanong na yan ang title ng aking article kasi po alam ko gan-yan ang drama ng marami sa atin sa buwan na ito. Pasukan na naman po at marami sa atin ang nagkuku-mahog na maghanap ng part time (kahit takot sa Oz!) para pandagdag sa sahod at ipadala para pantustos sa mga pangangailangan sa skwela ng ating mga mahal na anak or sa mga single, tustos sa mga kapatid na nag-aaral at talaga naman na magugulat ka kasi kasimbilis ho sa tubig na natapon ang pinapadala natin dahil po sa napakamahal ang mga bilihin sa atin. Minsan po, nakakaingit ung mga walang iniisip na su-portahan! Kaso kasi pag magulang ka e nandun sa puso mo ang pananabik na hindi mo maipadama kaya sa pera at materyal mo na lang naieexpress. Hindi ko po lahatang sinasabi na masama yan o mabuti. Meron pong trade-off jan.Maganda kasi po naibibigay mo ang mga materyal pangangailangan ng iyung anak, napapasaya po ang ating pamilya. Ang di maganda po e kung ma over-da-bakod ang pagbibigay po ng pera lalo na pag walang tamang guidance. Aware naman po tayo sa di magandang epekto nito pag sobra-sobrang cash ang hawak ng ating mga anak. Base sa aking obserbasyon nung ako ay nag-aaral sa college kasi may mga kaibigan at classmate ako na may mga “pension” galing abroad at nuon ding nagtrabaho ako sa isang private school na maraming OFW ang magulang, may positive at negative nga po na epekto. Maganda kasi ang ating mga anak ay kumpleto sa mga gamit, books at di pahirapan sa pagbayad ng tui-tion fee at ito ay nakapagbibigay ng confidence sa kanila, di sila nahihiya at nakikipagsabayan sila sa mga classsmate nilang mga anak ng mayayaman at para sa mga batang naturuan ng mabuti, ang pagkakaroon ng mga materyal na bagay ay isang simbolo para magpursige sila kasi naiintindihan nila ang kahalagahan at kung saan nangagaling ang kanilang mga blessing. Sa kabilang banda, ang pera at mga materyal na bagay, sa mga bata (kahit ho sa atin na malalaking damulag na!) ay nagbibigay ng “false security” na pinag-uugatan ng isang sakit ng ating lipunan, ang kayabangan. Nadedevelop din ang ugaling “bilmoko” at ang palaging “present” sa mga malls. Hindi namn sa nilalahat ko po kasi iba-iba naman ang status natin sa buhay pero karamihan ho sa galing sa lower middle class o sa katulad ko po na isang kahig isang tuka, na nakaranas ng konting pag-ginhawa sa buhay e para na po silang nakalutang sa alapaap at nakalimot na dahil sa konting pag-angat ng antas ng kabuhayan nila. At ang mahirap po e pag nakalutang at bumagsak, nababali ang pride. At para ho sa mga bata at teen-ager, mahirap pong lamunin ang pride. Kaya meron pong nalulong sa drugs, nabuntis, nagrerebelde etc, etc... dahil hindi nila alam o naiintidihan at kung paano harapin. Para pong nasira ang kanilang GPS .. nawawala sila. Ilang beses po sa aking trabaho naging saksi ako sa mga studyanteng hindi mo maintindihan ang ugali, gumagawa ng sakit sa ulo. Pag naman tinanong kung bakit nya ginawa, di daw nya alam at alam nya na masama, ikaw pang nagtatanong ang maasar. Sa huli, nalalaman ko na karamihan sa kanila ay mga anak ng OFW. Me isang teen-ager na hangang ngayun hindi ko malimutan ang kaso nya. Ang kanyang tatay ay ilang taon na nagtrabaho sa Saudi at malaki ang sahod kaya namulat sya na mayaman sila. Lahat naibibigay sa kanila. In short, spoiled silang magkakapatid. Dumating din ang araw na umuwi si tatay, may sakit at walang naipon. At hindi nya kayang tangapin na sila ay mahirap na at di na ma afford ung mga dating tine-take nya for granted. Kaya ang nangyari e nagnanakaw sya sa mga classmate nya. Automatic, expelled po cia. At huli kong balita, di na po nag-aaral. Sinong magulang ang nagkagusto na magka ganito ang anak?

Ako din ay nagbibigay ng sustento para sa mga nag-aaral na kapatid at tulong sa pang araw-araw na kailangan at mabigat po sa loob ko na ang pinaghihirapan ko e nawawaldas sa wa-lang kwenta. Nakakainsulto din po! At ang napakahirap po, mahirap po turuan ang isang nagmamarunong na at napagaling maghabi ng mga rason. Kaya ang pinaka mainam ay bata pa lang ho e turuan na ang ating mga anak kung paano buhayin ang kanilang sarili sa pinansyal na aspeto.

Unang una po, bago natin maturuan ang ating mga anak, I assess muna natin ang ating sarili. Pamilyar ho tayo sa “ Monkey hears and sees, monkey does”. Ang nanay ay ilaw at ang tatay ay haligi, gutay-gutay na yang linya pero totoo at napapakinabangan pa. Para effective po ang pagu-turo sa mga anak, dapat parehas ang linya ng pag iisip ni nanay ta tatay sa mga priorities na ituturo sa anak habang bata pa at madaling hubugin ang isip. Ayon sa mga experto na nagsagawa ng mga pag-aaral, ang mga sumusunod na concepto ay epektibo. Pamilyar na ho tayo sa mga ito at paalala lang ulit. Una, turuang mag-ipon. Di na po kasya ang kwento ni tipaklong at langgam, kelangan po na meron ng actual na pag-iipon kaya mas maige na meron ng bank account para sa mga mag high-schoolers o piggy bank sa mga maliliit pa na bata at ipa-intindi ang mga benepisyo tulad ng interest ng perang naipon nila mula sa kanilang allowance. Example po nyan, pag ang bata ay meron gustong bilhin, turuan po na pag-ipunin nya ang perang pambili nya. Sa huli ang epekto nito pag naabot nya ang goal nya ay ibayong kasiyahan sa tagumpay nya at magtatagal yan. Sabi nga po, experience is the best teacher. Ikalawa, pagsikapan nilang maige ang pera o bagay na natatangap nila. Isa ito sa mga mahirap gawin ng isang nanay na malayo ngunit dapat gawin. Ang dali po kasi na maantig ang ating puso pag ang anak ay humingi. Pag-aralan po natin na magsabi ng hindi. Ipa intindi sa ating mga anak na ang pera ay hindi libreng napupulot sa tabi-tabi. Pinagpapaguran at pinagsisikapan ang pera. Mas maige po na pagpaguran nila ang kanilang allowance at mga bagay na gusto nilang bilhin kasi po alam o naiintindihan nila kung saan nanggaling ang pera o bagay na hawak nila ng sa ganun po ay di nila babalewalain ng basta-basta. Ikatlo, turuang mag-budget. Mas epektibo po na kasama sila sa pagplaplano ni nanay at tatay at ng maramdaman nila, makita at maintidihan na para sa kanilang kinabukasan kung bakit me budget at para di sila magkumpara sa mga kakilala at kalaro na may mga mamahaling laruan. Ika-apat, turuang maging responsable sa sariling desisyon. Inuulit ko po, experience is the best teacher kahit po sa murang edad at nadadala yan paglaki. Maalala ko ang sabi ng isang guest speaker sa isang forum ilang taon na ang lumipas, na turuan ang mga bata na mamuhay at buhayin ang kanilang sarili na gamit ang kanilang practical na pag-iisip at hindi lang mangolekta ng medalya at mga recognition sa school. Usually kasi ang tinuturo sa school e mag-aral para maging isang mabuting empleyado na hindi tama kasi maliit lang opportunidad na lumago ang isang tao pag nakakulong sa isang kahon.

Isang paalala lang po, wag masyadong sakalin at sobrahan ang pagdidisiplina, maging realistic naman po tayo. Wag po sobra at kulang ang timpla, ung tama lang po ang timpla( ala Pop cola ba). Alam ko po ang gumanap bilang magulang sa mga anak kahit na nasa abroad ay mahirap pero sa tamang pamamaraan at katuwang ay magagawa nyo po. Sabayan na rin po ng taimtim na dasal. Kaya ko nasulat ito ay dahil naranasan ko na ang pait ng pagkakamali tungkol sa pera at masasabi ko na napaka-hirap pong bumangon sa mga naging epekto nito. Kaya sa mga magulang, isip-isip na po tayo. Mas mabuti ng umiyak ang anak ngayung bata kaysa ang magulang ang paiyakin pag lumaki na si anak.

Food for thought:
If a person gets his attitude toward money straight, it will help straighten out almost every other area in his life. ~ Billy Graham

Get our newsletter

Stay in touch! Get the latest posts and professional updates