הבלוג של הסבתא / general info / Dahil sa ngiti...

Dahil sa ngiti...

Galing ako ng Manila sakay ng Victory bus at nakaupo sa may bintana. Tapos na ang masayang bakasyon. Wala akong paki-alam sa paligid habang binabaybay ng bus ang highway. Nangingiting nanonood ng mga christmas decorations sa daan na di pa inaaalis. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Naasar ako dahil sa dami ng bakanteng upuan sa tabi ko pa ang napiling upuan. Gusto kong mamaluktot sa upuan dahil ang lamig ng aircon at 6-7 hours ang byahe.

Sa inis ko, ngkasya ako na tumanaw sa bintana. Masakit na ang leeg ko ng magtanong ka. Sumagot akong di tumitingin sayo. Tanong ka ulit, sumagot ako ng nakaharap sa bintana. Nagtanong ka ulit, di na ako sumagot. Lumipas ang ilang minuto at nangulit ka na naman. Sumagot ako at nagtanong ka ulit. Nakulitan na ako at tumingin sayo ng matalim. Nagkatitigan tayo. Ay nakupo! Nakangiti ka sa akin kahit singhal ang pagsagot ko. Aray ko ang gwapo mo! Wala ako masabi kundi ah, eh I, O, U. Nagkakandarapa kong hinagilap ang aking wisyo at bumaling ulit sa bintana. Buti na lang stop-over. Gusto kong magpalit ng upuan ngunit tinatawanan ako ng aking pride sa kaduwagan ko. Sa huli, tabi pa rin tayo.

Ang kulit mo, dami mong tanong na ayaw kong sagutin ngunit nagagawan mo din na pasagutin ako. Natanto ko na iba ka, para kang bata na ng-eenjoy ng buhay ngunit seryoso din at hindi punung puno ng sariling importansya. Bulungan tayo dahil tulog ang ibang pasahero. Lumipad ang oras at last stop-over na. Nagkape tayo. Hindi ka na ngtatanong at nangungulit. Nakatingin ka sa akin ng seryoso. Hiningi mo cellphone number ko. Sabi ko sori dahil nawala ang cp ko nung mamasyal kami ng mga pinsan ko sa Baclaran. Ako na lang kukuha ng number mo. Sinulat mo sa tissue at binulsa ko naman.

Pagbalik natin sa bus, nakatulog ako sa isa’t kalahating oras na natirang byahe. Pagdating sa Terminal, kelangan ko pa magpromise na mgtxt or tatawag sayo bago mo ako payagan na bumaba sa bus. Hindi ka tagarito sa amin, bakasyon ka lang ng ilang araw kamo kaya alanganin na mgakasalubong tayo sa daan.. Ok promise ako, me kasama pang ngiti. Natatawa na lang ako sa taxi pauwi sa bahay.

Balik sa dating gawi: trabaho buong maghapon at sa pangabing klase ko. Nakalimutan ko ang tissue at ang mabait kong nanay, naglaba at natunaw si tisyu sa washing machine. Dalawa linggo ang lumipas at naka tangap ako ng text sa kasarapan ng aking tulog. Sa sumunod na mga araw, puno na ang aking inbox ng mga magagandang messages at naintriga ako kaya ngreply ako sa sender.Dito na nagsimulang maubos ang aking pera sa kaloload ng unlimited text dahil hindi ko mapigilan na mgreply sa iyo.

Isang taon na pala ang lumipas at New Year na naman. Ngtext si txtmate na may sorpresa daw sya. Natawa na lang ako at binalewala ko. Sa unang pagkakataon, tumawag ka. Tawa lang narinig ko at pinutol mo na. Ngtxt ka at tinanong mo kung nasaan ako. Nagreply ako na nasa national bookstore ako ng Abanao. Ngreply ka ulit “Happy new year and see you”.

Tumitingin at nagbubuklat ako ng mga libro ng may magtanong sa likod ko. Sumagot ako na tanungin mo ang saleslady. Nagtanong ulit. Bumaling ako at iirapan sana ang makulit na ngtatanong dahil me gana pang tumawa. Hawak mo ang cellphone mo at nagriring ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag “Hello?” at sumagot ka sa phone mo ng Hello din. Sabay nating pinatay ang ating cp, ngumiti at tumawa sa isa’t isa.

Dalawang taon na tayong masayang magkasama. Nalaman ko na habang naghihilik pala ako sa bus nasilip mo ang aking cellphone na nakausli sa bag ko. Nakuha mo rin number ko. At habang tumatagal tayo, mas lalo kang nabibighani sa ngiti ko. Ang aking matamis na ngiti na syang bumighani sayo kaya ka napaupo sa tabi ko sa bus nuon.

Itinadhana ba talaga tayo para sa isa’t isa? Sasagutin ko ang tanong na yan. Oo, sa tingin ko. Maligayang araw ng mga puso!

הרשמו ומצאו מטפלים כעת!

שיתוף

קרא עוד אודות general info

2020 List of Holidays

general info

2020 List of Holidays

קראו עוד
Israel Caregivers: Important Guidelines For Relievers

general info

Israel Caregivers: Important Guidelines For Relievers

קראו עוד
Another Year, Another Decade for Caregiving

general info

Another Year, Another Decade for Caregiving

קראו עוד
Israel Caregivers: Weekly Rest Day and Holiday Pay

general info

Israel Caregivers: Weekly Rest Day and Holiday Pay

קראו עוד

קבלו את הניוזלטר של הסבתא

השארו בקשר!