הבלוג של הסבתא / News / Good News: Mga Bagong Panukala Para sa OEC, Travel Tax at Terminal Fee, Ikinasa ng POEA.

Good News: Mga Bagong Panukala Para sa OEC, Travel Tax at Terminal Fee, Ikinasa ng POEA.

Magandang Balita para sa mga Overseas Filipino Workers!

Ang mga OFW na babalik sa parehong employer sa parehong lugar ng pinagtatrabahoan ay hindi na kailangang kumuha ng Overseas Employment Certificate or OEC, simula sa unang linggo ng susunod na buwan.

Bilang karagdagan, ang lahat ng OFWs na babalik sa kanilang mga trabaho ay hindi na kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee kung sila ay may ipapakitang lehitimong working visa, kontrata o ano mang lehitimong dokumento na nagpapatunay na sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga kwalipikadong tauhan ng airport o paliparan.

Save More. Pay Less. Send Through Rewire Now!

Itong mga bagong panukala ay kasama sa Resolution No. 12 na naipasa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pinamumunuan ni Labor Secretary Silvestre T. Bello III.

Sa ilalim ng Resolution ang OEC exemption ay ilalapat sa dalawang kategorya ng mga manggagawa :

1) OFWs o BMs ( Balik Manggagawa ) na bumabalik sa parehong employer at bansang pinagtatrabahoan at may record sa POEA.

2) At sa mga natanggap sa pamamagitan ng Government Placement Branch o in-house recruitment na pasilidad sa POEA para sa mga Pilipino na naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa.

Upang mapakinabangan ang resolution na ito, ang mga OFW ay dapat gumamit ng BM Online Facility upang magparehistro - ng libre - bago umalis. Ang impormasyon na naka-imbak sa POEA data base ay elektronikong ipapadala sa Bureau of Immigration para magsilbi bilang gabay sa mga opisyal ng imigrasyon sa pagpapatunay kung ang OFW ay lehitimo bago umalis papuntang ibang bansa.

Ayon sa POEA, ang bagong panukala ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na gawing mabilis ang proseso sa pag-deploy ng mga OFW.

Ito din ay bilang tugon sa ingay mula sa mga OFWs para sa pagpapabilis sa proseso ng kanilang mga dokumento para sa trabaho.

Kahit ang mga OFW na hindi kasama sa dalawang kategorya ay maaari pa ring makinabang sa programang ito basta’t sila ay naka rehistro sa BM Online System at makakuha ng kanilang record na ipinasok sa website ng POEA.  

Ayon sa Resolution No. 12, ang mga manggagawang hindi exempted sa pagkuha ng OEC ay maaari lamang magparehistro sa  BM Online System, at pagkatapos ay magtakda ng appointment sa kanilang napiling POEA office o center para sa pagsusuri at pagpapatunay.

Kahit ang mga pumunta sa airport nang walang angkop na rehistro ay walang dapat ipangamba, kundi sa halip ay papupuntahin sa Labor Assistance Center (LAC) para sa pagsusuri upang matukoy kung sila ay "clear for departure”  o sumailalim pa sa karagdagang pagsusuri o pagkumpleto ng mga dokumento.

Batay sa mga alituntuning ito, ang mga OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo na gustong maiwasan ang paghihintay at gulo sa airport ay dapat lamang na magparehistro o i-update ang kanilang katayuan sa trabaho sa BM Online System upang matiyak na sila ay lehitimo bago umalis ng bansa.

Para naman sa travel tax at terminal fee exemption, ang OFW ay maaaring mag presenta ng kahit ano sa mga sumusunod na dokumento sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at sa Manila International Airport Authority:

1) valid work visa
2) valid employment contract
3) valid ID ng kompanyang pinagtatrabahoan abroad
4) Payslip o iba pang katumbas dokumento

Ayun din sa resolution, ang POEA ay magtatakda ng mga alituntunin upang matiyak na ang ang unang implementasyon ng resolution ay matagumpay na maisasakatuparan sa unang linggo ng Setyembre.

Bukod kay Secretary Bello, ang mga kasapi ng POEA na naglagda ng resolution ay si POEA Administrator Hans Cacdac na gumaganap bilang vice- chairman at ang mga miyembro na sina Milagros Isabel Cristobal, Estrelita Hizon , Alexander Asuncion at Felix Oca .

For Registration, please click this link: http://bmonline.ph/

 

הרשמו ומצאו מטפלים כעת!

שיתוף

קרא עוד אודות News

Israel: Health Ministry Implements Strict Guidelines on CoronaVirus (COVID-19)

News

Israel: Health Ministry Implements Strict Guidelines on CoronaVirus (COVID-19)

קראו עוד
UPDATE OF LAW regarding HUMANITARIAN (SPECIAL) VISA

News

UPDATE OF LAW regarding HUMANITARIAN (SPECIAL) VISA

קראו עוד
Hundreds in Quarantine, Israel Confirms Another 3 Positive Cases of COVID-19

News

Hundreds in Quarantine, Israel Confirms Another 3 Positive Cases of COVID-19

קראו עוד
CoronaVirus 2019 nCoV: How Does it Affect the Caregiving Sector in Israel?

News

CoronaVirus 2019 nCoV: How Does it Affect the Caregiving Sector in Israel?

קראו עוד

קבלו את הניוזלטר של הסבתא

השארו בקשר!