הבלוג של הסבתא / general info / Inday in da Holy land

Inday in da Holy land

Sa ating mga pinoy, lalo na sa tulad ko na galling sa probinsya,pag narinig natin ang salitang abroad, dollyar agad ang naiisip natin. Totoo po yan, wag na po tayo magdeny! Nuon, pag nakikita ko mga umuuwi na galling abroad, wow naman! Sosyal at "bonga ka 'day!" ang drama. Nakaka-inggit! Kasi pag gumastos ang balikbayan e parang walang katapusan ang grasya. Sabi ko sa isip ko ang sarap naman ng buhay ng mga ito, makapag- abroad nga rin! Baka sakaling maambunan din ng mahiwagang bank account. Ang siste e wala po akong professional skill kaya ang bagsak e caregiver sa Israel.

Kaya ako po ay lumuwas at nag apply nga dine sa agency. Ay akalain ko ba na pagkahirap hirap pala ng proseso sa pag apply sa Israel! Nakapanlalata mga kinakailangan para laang makukuha ng visa, sinamahan pa ng pamatay na interview sa Israel Embassy. Kaya pagdating ko dine sa Israel e ubos na ang aking pasensya! Kawawa ang aking unang employer kasi wala na ako pundar na pasensya naubos na sa pag aaply!

Unang lingo ko sa trabaho, tumunog ang aking roming na cellphone na me mensaheng "me pera ka na ba, kelan ka mgpapadala"? nyeekk, isang lingo pa lang ako, padala na agad! Kelangan mag sipag sipag sa pag eesponja para me pambayad sa inutangan sa Pilipinas. Buhos d2, buhos doon,yalla sponja! Yan ang una kong employer, dahil sa kanya lumutang ang aking kaseksihan dahil sa kakaesponja, nawala ang aking inaalagaang double tier na bilbil. Pero sabi nga nila lahat me ending. Naawa na si God sakin kaya kinuha na nya si Ima Sponja at sya na daw mag alaga. Naisip ko na lang thank you Lord, tama na ang aking kaseksihan, ayaw na nya akong tuluyang maging bag of bones!

Ako naman po e nakahanap ng panibagong trabaho ng mabilisan. Salamat sa Dyos kasi d pa po ako nakabayad ng utang! Hindi na sponja ang drama kundi sitting pretty na with Lola Ganda. Sitting pretty until hating gabi! Kaya eto malapit na kaming maging twins complete with eyebags and wrinkles. Hmm, makabili nga ng rejuvenating cream at sayang ang aking beauty… baka sakali me makapansin na Israeli (joke,joke,joke). In fairness, andaming TDH dito, as in tall, dark and handsome! Sarap magkalat ng lagim sana kaso e ako ay dalagang Pilipina kaya demure effect ang aking projection ever! Mamaya e deportation pa ang aking bagsak! (Daanin na lang kay pulang kabayo, nakakauhaw e.. hehehe)

Sure po ako na lahat e me mga di malimutan na storya habang tayo ay nakikkipagsapalaran d2 sa ibang bansa. Kahit sino po yan na OFW mapa domestic helper, caregiver, doctor, engineer, IT, teacher at ano pang trabaho. Lahat po tayo na andito sa ibang bansa e me sari-sariling masaya o malungkot na karanasan sa mga trabaho. Wala pong perpektong trabaho lalo na po pag caregiver ang trabaho na tulad ko, isipin po natin yan pag nagpipilit na humulagpos ang inis at galit sa mga alagang makukulit at nakaka windang sa windang nang utak. Naiisip ko na lang sayang ang byuty kwohh,mahal ang botox at facelift, ayaw ko ng wrinkles kaya smile pa rin, flash your fangs aka R. Pattinson kahit kumakain tayo e me kakaibang amoy imbes na amoy bulalo!

Hindi po biro ang pinundar natin na sakripisyo kaya wag po natin bayaan na ang ating mga pinundar e walang pong kinahinatnan at di na rin po maibabalik ang nasayang na opportunidad since marami sa atin e contractual ang trabaho lalo na po dito sa Middle East na contrata ang natatapos, hindi ang trabaho. Isipin na lang po natin if pano na pag me giyera, ayan tsunami, lindol etch., etch… Saan po kaya tayo pulutin? Balik na naman sa kangkungan? Ay, wag naman po sana gyerahin ang Israel, di ko pa nakikita ang Jerusalem!

Pag ako po ay nagbabasa ng tungkol sa buhay ng nasa abroad puro mga malalagim at nakakadismaya ang maraming nauulat at napakaaliit na porsyento lamang ang mga success story. Wag po natin bayaan na ang ating mga plano ay isang pangarap lamang sa hinaharap na hangang ngayon e hinahanap pa, na tayo ay maging isang statistic sa mga di nagtagumpay na nangibang-bansa.

Kabayan ko, isa ka mang caregiver o engineer o kahit ano pa man po, unang-una tanungin natin ang ating sarili " Isa ba ako sa mga napakaraming mapagwaldas or isa ako sa mga iilan na nakapag ipon ng perang galing sa pawis, at luha na puhunan ng abroad ?" Hanggang consumerist lang ba ako?" Hangang saan ang kaya kong gawin?" Hangang kelan ako maging isang OFW?"

Isa rin po akong nagsisimulang OFW na nangangarap at sa bawat araw e pinapanalangin ko na ako ay isa sa mga magtatagumpay sa hinaharap (Amen!). Ang bigat po ng pakiramdam pag departure, di maipaliwanag na ewan , pero ang sarap po ng feeling pag arrival na sa Pinas mas lalo na po pag me napatunayan tayo.

Sa mga nagbabasa po nito, wag nyo pong isipin na ako ay nagmamagaling, mas lalo pong di ako naghuhusga. Ako lang po e ngsasalaysay ng kung ano ang aking nasasaisip.

Food for thought: Success is about the right opportunity
                             At the right time and enough will and courage
                             Cease the moment, don’t procrastinate
                             Because like the wind it will pass you by
                             It won’t wait for you to take actions.

הרשמו ומצאו מטפלים כעת!

שיתוף

קרא עוד אודות general info

2020 List of Holidays

general info

2020 List of Holidays

קראו עוד
Israel Caregivers: Important Guidelines For Relievers

general info

Israel Caregivers: Important Guidelines For Relievers

קראו עוד
Another Year, Another Decade for Caregiving

general info

Another Year, Another Decade for Caregiving

קראו עוד
Israel Caregivers: Weekly Rest Day and Holiday Pay

general info

Israel Caregivers: Weekly Rest Day and Holiday Pay

קראו עוד

קבלו את הניוזלטר של הסבתא

השארו בקשר!