iSavta Blog / Health & Wellness / Si Marcos at ang Edsa Revolution

Si Marcos at ang Edsa Revolution
banner-img

Save at least 6000 NIS per year with direct hiring!

Direct hiring of caregivers can save you 500 to 2200 NIS each month

Pag-usapan daw natin ang Edsa at ang People Power Revolution noong 1986.

 

Four and a half years old lang yata ako ng mangyari ang makasaysayang revolution ng mga Filipino kontra kay Marcos. Ano nga ba ang naaalala ko ng panahong yun? Siyempre wala kasi feeling ko nagsisimula pa lang akong matuto ng ABC noon. Nagkamuwang ako sa mundo na si Cory Aquino na ang presidente at well-known sa buong mundo ang kulay niyang yellow (at akala ko noon, pag presidente ka dapat one color of clothing lang ang dapat mo isuot). Naalala ko pa sa lahat ng classroom sa school namin may picture niya sa gitna at medyo pango ang ilong niya. Naririnig ko na rin yung mga usapan ng mga matatanda about Marcos at si Imelda nga na sandamakmak sa dami daw ang pares ng sapatos. Pula naman daw ang kulay ng mga Marcos pero di na ako naniwala kasi nakikita ko sa TV na naka hawaiian shirt si Macoy bago siya umalis ng bansa. Basta isa lang ang sigurado ko noon, pag itinaas mo ang kamay mo at korteng check ang dalawang daliri mo, kay Cory ka. Kung korteng "peace sign" naman, Marcos supporter ka. Naku, masyadong critical yang mga ganyang gesture dati. Talagang big deal ang kulay ng damit at position ng mga daliri. 

 

Four and a half years old lang ako noon. Wala akong kamuwang muwang sa mundo. Malay ko ba naman sa mga ill-gotten wealth, politics, edifice complex, extra judicial killing at kung ano ano pa? Di ko nga kilala kung sino si Cardinal Sin, Honasan, Enrile, Ramos at kahit si Ninoy Aquino na namatay daw sa NAIA di ko rin kilala. Basta ng magkamuwang ako sa politics eh si Miriam Defensor Santiago ang gusto kong maging presidente at nag-away pa kami ng kaklase ko noon kasi Brenda ang tawag nia kay Sen. Miriam. Brain damage daw. 'Nak ng puchopot nagagalit talaga ako noon.

 

31st Anniversary ng Edsa Revolution this year. 31 years na ang nakalipas. Ano ba ang naaalala ng mga tao sa significance ngEdsa sa ating bansa? Eh ako nga walang kamuwang muwang eh. Eh pano na lang ang mga kabataan ngayon na 30 anyos pababa? Kilala kaya nila si Marcos? Kilala kaya nila si Freddie Aguilar na kasama ang kanyang gitara at black shiny hair ay kumanta sa harap ng libo libong tao sa Edsa kahit na manganib ang buhay niya? Ano ba ang natutunan ng mga kabataan sa history subject nila sa school tungkol sa People Power? Baka nga memoryado nila ang "Magkaisa" at "Handog ng Pilipino sa Mundo" kasi nga every year ay pinapatugtog to sa radyo at maririnig mo sa TV. Pero aminin niyo, ang iba sainyo hindi ninyo alam kung sino ang kumanta ng mga kantang to. Nakaka touch nga naman lalo na kung may blending ang pagka kanta. Lalo na kung makikita mo ang tatlong itlog na APO hiking society sa tv na parang hindi tumatanda at perfect pa rin ang blending ng boses.

 

Every year sini-celebrate natin ang Edsa. Sino ba ang mga dumadalo? Interesado ba ang lahat? Minsan makikita mo andami nga namang tao sa Edsa pero kung titingnan mong mabuti, aba'y parang inis sila na nandun sila kasi ang init daw kaya lang wala silang magagawa kasi utos ng boss nila na dumalo sila doon. May pangakong increase ng sahod oh di kaya may dagdag na 500 pesos ang Christmas bonus nila. Pero nafi-feel kaya nila ang diwa ng Edsa? Hmmnn, I doubt it. 

 

Teka lang, Edsa at Demokrasya? Asan na ba tayo ngayon after 31 years? Sa isang interview ni Bongbong Marcos sinabi niya na kung hindi daw napaalis ang tatay niya mas mayaman pa daw tayo sa Singapore ngayon. Tinanong ko rin yan sa sarili ko kung totoo kaya yun? Dahil nga sa wala akong alam tungkol dun, nagbasa ako. Sabi nila, our ignorance is what cripples us. Be aware. Read. Kaya nagbasa nga ako, nag research. Aba'y totoo nga. Ang yaman nga naman ng Pilipinas ng panahong yun. Ang mumura ng mga bilihin at in fairness ha, masyadong mababa ang value ng dollar sa ating bansa. Kung itatanong mo sa mga may kamuwang muwang na noong panahon yun, mas maayos nga daw ang buhay nila noon. Walang rebelde na nanggugulo sa daan lahat daw nagtatago. Ngayon daw can't afford na ang mga tao kahit isang kilo ng bigas. Magulong magulo na rin ang Metro Manila at walang tigil ang digmaan sa Mindanao. Eh ano naman ngayon? Malaya naman tayo dahil sa Edsa Revolution. Malaya tayo saan? Sa Dictatorship ni Marcos? Malaya ka nga, wala ka namang makain. (nagbi-bitter bitteran lang ako).

Save More Pay Less. Send Through Rewire Now! 

Maraming taon na ang nakalipas. Marami na ang nakalimot sa kahayopan ni Marcos. In fact, ibinoto na nga ng tao ang anak niyang si Bongbong at senador na siya ngayon. Si Madam Imelda icon of beauty pa rin at nasa pulitika pa rin. Maaari nga, napatawad na ng mga Pilipino si Marcos. Pero kasabay ng pagkalimot ng tao kay Marcos, nakalimutan na rin nila ang ipinaglaban ng mga magulang nila sa gitna ng Edsa noong 1986. Saan na nga ba tayo ngayon? 

 

Sa pagpapatalsik kay Marcos, marami ang naging sakim. Lahat gusto ng maging presidente ng Pilipinas. Nawalan ng disiplina ang mga tao. Sa gobyerno naman, sampung Marcos ang pumalit. Lahat magnanakaw. Mula sa kapitan ng baranggay na nag oover price sa mga basurahang binibigyan ng budget ng gobyerno hanggang sa Mayor na kalahati lang ng kalsada ang pinatapos at binulsa ang kalahati ng budget. Edsa at Demokrasya. Ano nga ba ang naibigay ng Edsa revolution sa ating mga Pilipino? Eto yun, walang kataposang nakawan sa gobyerno, naging marami ang sakim sa kapangyarihan, maraming undisciplined na kumakalat sa daan at pumapatay, droga, prostitusyon at kung ano ano pa! Kabayan, matuto ka naman. Sariwain mo naman ang Edsa at ang totoong meaning ng Demokrasya. Tayo mismo ang Marcos ng mga sarili natin. Patuloy tayong nakagapos sa masamang ugali ang panlilinlang. Pakawalan mo ang sarili mo kabayan. UMAYOS KA!

 

Haaayyy kasabay ng pagdugo ng ilong ko sa pagsusulat ng Tagalog dito ay tila na realized ko na nakaka miss din pala si Marcos. Saan na kaya tayo ngayon kung andito pa siya at wala ang Edsa Revolution? 

 

(This article was written 6 years ago. Revisions were done to keep it up to date)

Signup and find caregivers now!

Share

Read more about Health & Wellness

The Inevitability of Aging

Health & Wellness

The Inevitability of Aging

Read More
Alternative Vitamins that Help Boost the Immune System

Health & Wellness

Alternative Vitamins that Help Boost the Immune System

Read More
Coronavirus: Caregivers Facing a Big Risk

Health & Wellness

Coronavirus: Caregivers Facing a Big Risk

Read More
3 Simple Tips to Survive a Crisis

Health & Wellness

3 Simple Tips to Survive a Crisis

Read More

Get our newsletter

Stay in touch! Get the latest posts and professional updates